Hesus

Kung nag-iisa at nalulumbay
Dahil sa hirap mong tinataglay
Kung kailangan mo nang karamay
Tumawag ka at Siya'y naghihintay

Chorus

Siya ang iyong kailangan
Sandigan, kaibigan mo
Siya noon, bukas, ngayon
Sa dalangin mo'y tugon
Siya ay si Hesus sa habang panahon

Kung ang buhay mo ay walang sigla
Laging takot at laging alala
Tanging kay Hesus makaaasa
Kaligtasan lubos na ligaya
(balik sa koro 1 tapos bridge tapos koro 2)

Bridge

Kaya't ang lagi mong pakatatandaan
Siya lang ang may pag-ibig na tunay
Pag-ibig na tunay

Chorus 2

Siya ang dapat tanggapin
At kilanlin Sa buhay mo
Siya ang araw mong lagi
Ang karamay kung sawi
Siya ay si Hesus, Siya ay si Hesus
Siya ay si Hesus sa bawat sandali

No comments:

Post a Comment