NAG-AALAB

Puso’y basang kahoy
Na tila kay lamig
Nang madarang sa ningas
Ng ‘Yong pag-ibig

Unti-unting natuyo
Ang bawat pagtanggi
Nang matupok lahat kong pagmamalaki

Mukha Mo’t kabutihan
Ay aking nagisnan
Tiwala ko’t pag-ibig
Sa’yo ay laan

Nag-aalab, pag-ibig Mo sakin O Diyos
Tanglaw sa gabing mapanglaw
Apoy sa dilim at ginaw

Nag-aalab, pag-ibig Mo sakin O Diyos
Biyaya Mo’y laging lubos
Araw na di nauupos

Panghahawakan ko, nag-aalab na pag-ibig Mo

Kay buti Mo

Katapatan Mo Oh Dios tunay at dakila
Ang pag-ibig Mo’y wagas at walang kapantay
Sa aking puso, sa aking buhay papuri’t pagsamba’y iaalay
Bukas noon ngayon magpakailanman luwalhatiin ka

Chorus:

Panginoon Kay buti Mo sa akin
Ikaw lamang ang tangi kong sasambahin
Aawitan kita at pupurihin
Panginoon Kay buti Mo sa Akin

Katapatan

Sayong pag ibig wagas at sukdulan
Sayong biyaya at yong kahabagan
Sa lahat ng iyo ang aking tugon katapatan

Sa patuloy mong pagtitiwala
Kahit kapos kaalam at mahina
Sa lahat ng ito pangako sayo katapatan

Chorus:

Magpapasyang manatili
Nililihis sa pinilig
Landasing pagsuko at pagpapasakop sayo

O’ Diyos
Tahakin may kadiliman
Hinding-hindi ka iiwan
Tag-ulan, tag-araw pighati tagumpay kailanman
O’ Diyos
Magtatapat

Bridge:

Magtatapat pagka’t Ikay tapat
Sayo Panginoon ang hari ng lahat